Alden Richards
TV

'Pulang Araw' star Alden Richards earns praise for 'Araw ng Kagitingan' tribute video

By Jimboy Napoles
Updated On: July 3, 2024, 03:14 PM
Napanood mo na ba ang tribute video ng 'Pulang Araw' para sa Araw ng Kagitingan?

“Goosebumps. Napakahusay!”

Isa lang 'yan sa mga naging papuri ng maraming netizens sa mensahe ng tribute video na inilabas ng upcoming Kapuso historical drama series na Pulang Araw para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon, April 9.

Tampok sa nasabing commemorative video ang isa sa mga bida ng serye na si Asia's Multimedia Star Alden Richards. Dito, mapapanood ang aktro na tumutula tungkol sa pagsasakripisyo ng mga Pilipino para sa bansa mula pa noong World War II hanggang sa kasalukuyang mga laban na kinakaharap ng mga Pinoy.

Sa social media, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang positibong komento para sa matapang at napapanahong mensahe ng tula.

“Omg. Ang galing!!! Giving me chills,” komento ng isang netizen.

“Goosebumps!” dagdag pa ng isang social media user.

Hindi pa man nagsisimula ang Pulang Araw, maraming netizens na ang bumibilib at nagpahayag ng excitement sa serye.

“Ganyan dapat ang mga serye sa TV, 'yung gigising sa pusong makabayan ng Pilipino. Can't wait for this teleserye,” saad ng isang netizen.

“Ang husay ng kung sino ang nakaisip at nakabuo nito! Magandang panimulang marketing strategy for the biggest drama this year,” mensahe pa ng isang netizen.

“Maganda lalo 'to sa mga student tulad ng mga pamangkin ko. Historical papanoorin ng mga high school students,” komento rin ng isang Instagram user.

Nakatanggap din ng maraming papuri si Alden dahil sa kaniyang madamdaming pagtula sa video.

“Ganda ng monologue Alden Richards,” anang isang netizen.

“Ganda ng speaking voice mo Alden. Bagay sa'yo ang narration,” dagdag pa ng isang fan.

Sa tribute video na ito napanood si Alden bilang si Eduardo Dela Cruz/Smith - ang kaniyang karakter sa Pulang Araw.

Makakasama naman ni Alden sa Pulang Araw ang iba pang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

SAMANTALA, ALAMIN ANG CAREER HIGHLIGHTS IN ALDEN RICHARDS SA GALLERY SA IBABA

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.