David Licauco
Source: pocholomiguelapostol (Instagram)
TV

David Licauco, nakikita ang sarili sa karakter niya sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Updated On: July 3, 2024, 04:47 PM
Gaganap si David Licauco bilang isang Japanese solider sa 'Pulang Araw'.

Isa sa mga bibida sa seryeng Pulang Araw ang Kapuso actor na si David Licauco kung saan gaganap siya bilang isang Japanese soldier na si Hiroshi.

Makakasama niya sa nasabing serye ang iba pang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Alden Richards.

Sa ngayon ay dumadaan na sa iba't ibang paghahanda ang apat, gaya ni David na sineseryoso ang kanyang pag-aaral ng Nihongo.

Sa interview ni Cata Tibayan kay David para sa 24 Oras, sinabi ni David na marami rin siyang matutunan sa kanyang karakter sa Pulang Araw gaya sa ibang mga role na kanyang ginampanan.

Aniya, “Every role meron ako natutunan e, like dun sa Maria Clara [at Ibarra] may natutunan ako. Kay Carding may natutunan ako. And for this time naman sa Pulang Araw as Hiroshi, I want to you know like immerse myself to Japanese culture as much as I can.”

Kampante rin umano ang aktor na magiging magaan lang ang kanyang pagtatrabaho sa serye dahil kasama niya rito ang kanyang ka-love team na si Barbie.

“Barbie [Forteza] is there, so, parang I have this assurance na everything's gonna be okay when I'm with her, kasi parang madali siya katrabaho and we know each other so well,” ani David.

Kuwento pa ng aktor, nakaka-relate din umano siya sa kanyang role bilang isang Japanese.

“Kapag Japanese ka medyo mahiyain ka, shy type. Kapag manliligaw ka, medyo mahiyain ka. So, I think medyo ganun ako in a way in real life. So, hindi naman ako masyado nahihirapan. I'm just being my real self,” anang aktor.

Para sa iba pang detalye tungkol sa Pulang Araw, bisitahin ang GMANetwork.com.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.