Matapos ang mahabang panahon, napagtanto na ni Leilani (Ayen Munji Laurel) na si Princess (Sofia Pablo) ang baby girl na iniwan ni Divina (Denise Laurel) sa loob ng kulungan.
Hindi alam ni Leilani na inampon ni Dado (Keempee de Leon) si baby girl pero hindi niya sinasabi kay Princess ang totoo nitong pagkatao.
Bukod dito, may isa pang sikretong tinatago si Leilani -- na hindi si Divina ang ina ni Princess kung hindi si Sharlene (Beauty Gonzalez).
Kung ikaw si Leilani, sasabihin mo ba kay Princess ang tunay niyang pagkatao?