GMA Logo Lauren King and Beauty Gonzalez
What's on TV

Sharlene at Raymond, bistado na ang pekeng kidnapping ng anak nilang si Libby

Published April 24, 2025 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Lauren King and Beauty Gonzalez


Alam na ng mag-asawang Sharlene at Raymond na hindi totoo ang nangyaring kidnapping sa anak nilang si Libby.

Mas tumitindi na ang eksena sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail dahil nalaman na ng mag-asawang Sharlene (Beauty Gonzalez) at Raymond (Dominic OChoa) na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kay Libby (Lauren King).

Ini-upload ni Justin (Radson Flores) sa social media ang video kung saan umamin si Libby na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kung saan pinagbintangan niyang si Princess (Sofia Pablo) ang nasa likod.

Nang malaman ni Sharlene at totoo, hindi niya napigilan na sampalin ang anak niya sa harap ng maraming tao.

Balikan ang mainit na eksenang 'yan dito:

Ngayong may ebidensya na si Princess at Dado (Keempee de Leon) na hindi totoo ang kidnapping ni Libby, luluhod na si Sharlene para hindi nila ituloy magsampa ng kaso.

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.