GMA Logo Beauty Gonzales and Sofia Pablo in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Prinsesa Ng City Jail: Princess at Sharlene, may hidwaan pa rin sa loob ng kulungan

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 11, 2025 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzales and Sofia Pablo in Prinsesa Ng City Jail


Ramdam pa rin ang hidwaan sa pagitan nina Princess (Sofia Pablo) at Sharlene (Beauty Gonzalez) kahit na ramdam nila ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, magdamag inalagaan ni Sharlene (Beauty Gonzalez) si Princess (Sofia Pablo) sa loob ng kulungan dahil inaapoy ito ng lagnat.

Kinaumagahan, ramdam pa rin ang hidwaan ng dalawa lalo na at si Princess ang pinagbibintangang mastermind sa pag-kidnap sa anak ni Sharlene na si Libby.

Sa labas ng kulungan, bigla namang nawala si Leilani (Ayen Munji Laurel) sa ospital kaya patuloy pa rin siyang hinahanap ng anak niyang si Xavier (Will Ashley).

Ano kaya ang mangyayari sa mag-inang Princess at Sharlene sa loob ng kulungan? Mahanap kaya ni Xavier ang kanyang nawawalang ina?

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.