Denise Laurel and Lauren King in Prinsesa Ng City Jail
TV

Libby at Divina, magkakampihan na para paghiwalayin sina Raymond at Sharlene

By Aaron Brennt Eusebio
Magkakampihan na ang mag-inang Libby (Lauren King) at Divina (Denise Laurel) laban kay Sharlene (Beauty Gonzalez).

Ngayong inamin na ni Divina (Denise Laurel) kay Libby (Lauren King) na siya ang tunay na ina nito, magkakampihan na sila para paghiwalayin sina Raymond (Dominic Ochoa) at Sharlene (Beauty Gonzalez) sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Napilitan si Divina na sabihin kay Libby na hindi si Sharlene ang tunay nitong ina nang tangkain niyang tumalon sa isang gusali matapos nilang mag-away ni Sharlene.

Samantala, nakumpirma na rin ni Princess (Sofia Pablo) na inampon lang siya ni Dado (Keempee de Leon) nang may manganak sa city jail na pinagtatrabahuhan niya noon.

Nang tanungin ni Princess kung sino ang tunay niyang ina, sinabi ni Leilani (Ayen Munji Laurel) na hindi nila alam dahil nakita lang nila si Princess na iniwan sa kulungan.

Paano kaya haharapin nina Raymond at Sharlene ang patuloy na paninira sa kanila nina Divina at Libby? Mahanap kaya ni Princess ang tunay niyang ina?

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.