GMA Logo Sofia Pablo at Lauren King
What's on TV

Sofia Pablo at Lauren King, may mas malala pang catfight sa 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 21, 2025 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Lauren King


May isang eksena sina Princess (Sofia Pablo) at Libby (Lauren King) na dapat abangan sa 'Prinsesa Ng City Jail.'

Kung nakakainis na ang away nina Princess at Libby sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, may mas ilalala pa 'yan ayon sa aktres na si Sofia Pablo na gumaganap bilang Princess.

Ayon kay Sofia, may isang eksena sila ni Lauren King, ang gumaganap na Libby, kung saan in-offer-an sila ng produksyon kung gusto nilang magkaroon ng body double dahil sa tindi ng catfight na ginawa nila.

"'Yung eksena na 'yun, [umabot] sa point na in-offer-an kami mag-body double kasi ganoon siya kadelikado rin sa balat namin kasi sa kalye siya, pero pareho kaming nag-initiate na gusto naming gawin," kuwento ni Sofia sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

"Lumabas 'yung pagka-laking city jail ni Princess."

Sa episode kahapon, February 20, nahuli na ang karakter ni Allen Ansay na si Xavier, na napagbintangang gumagamit ng bawal na gamot dahil sa kaibigan niyang si Justin, na ginagampanan naman ni Radson Flores.

Dahil dito, magbabago ang pananaw ni Xavier sa mga nakakulong, lalo na sa ina niyang ilang dekada nang namamalagi sa city jail.

"Mamumulat siya sa realidad na hindi naman lahat ng nakakulong, masama. May mga napagbibintangan, may naghihirap na hindi naman nila gusto 'yung nangyari sa kanila," saad ni Allen.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras DITO:

Simula February 24, mapapanood na ang Prinsesa Ng City Jail mula Lunes hanggang Sabado sa mas pinaaga nitong oras na 2:30 p.m.