What's on TV

Jan Manual on playing gay roles: "100 percent ang binibigay ko."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 21, 2020 3:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi unang beses ni Jan Manual na maging bading sa TV series na Prinsesa ng Buhay Ko. Inamin ng aktor na medyo nasanay na rin siya in portraying such roles, and he has no problem kapag ito ang mga naibibigay sa kanyang mga characters.

Hindi unang beses ni Jan Manual na maging bading sa TV series na Prinsesa ng Buhay Ko. Inamin ng aktor na medyo nasanay na rin siya in portraying such roles, and he has no problem kapag ito ang  mga naibibigay sa kanyang mga characters.

"Sanay na po. Nag-aantay na lang po ako ng tamang panahon para bumigay!" pabiro niyang sagot nang makapanayam namin siya sa pictorial ng Bubble Gang para sa 18th anniversary nito. The Kapuso actor is currently part of the show's Bagong Gang, along with Juancho Triviño, RJ Padilla, Joyce Ching, Denise Barbacena, and Arny Ross.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa pagganap bilang best friend ni Kris Bernal na si Phil. "Hindi naman mahirap kasi kahit dati na 'di pa ako artista, nagbibiruan na kami na bading so parang ako, sanay na rin lumandi (laughs). Siyempre kapag trabaho naman, 100 percent ang ibinibigay ko."

Naikuwento din ni Jan na masaya sila sa set ng early primetime series na pinagbibidahan ng Royal Couple of Drama na sina Aljur Abrenica at kris Bernal. "Maayos sila katrabaho, lalo na 'yung director namin na si Direk Dondon Santos, napakahusay. 'Yung mga kasama kong artista, sina Aljur at Kris, hindi rin ako nahirapan na makatrabaho sila kasi mga ka-batch ko sila sa Starstruck. Mababait sila. Para kaming family tulad din dito sa Bubble Gang."

Abangan si Jan Manual bilang Phil sa Prinsesa ng Buhay Ko, weekdays bago mag-24 Oras. Huwag ring palampasin ang 18th anniversary special ng Bubble Gang ngayong Biyernes, October 18, pagkatapos ng My Husband's Lover. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com