What's on TV

Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo, binalikan ang kanilang trending scenes sa 'Prima Donnas: Watch From Home'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 15, 2020 6:00 PM PHT
Updated August 2, 2020 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward Althea Ablan Elijah Alejo in Prima Donnas


Time-out muna sa tarayan ang mga bida ng 'Prima Donnas' na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo para balikan ang ilan nilang trending scenes sa 'Prima Donnas: Watch From Home!'

Muling nagsama-sama ang mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo upang balikan at pag-usapan ang mga trending scene nila sa kanilang show.

Sina Jillian, Althea, at Elijah ang unang guests nina Wendell Ramos at Benjie Paras sa online show nilang 'Prima Donnas: Watch From Home' noong Biyernes, July 13.

Pinanood nina Jillian, Althea, at Elijah ang scene kung saan pinakilala na ang Claveria heiresses na sina Donna Belle, Donna Lyn, at Brianna, na nagpapanggap na Donna Marie.

Para kay Jillian, sa tingin niya ay nakaka-good vibes kay Donna Marie ang naturang scene dahil nakita niyang opisyal ng mga Claveria ang kanyang mga kapatid.

Aniya, “Ayun po 'yung nakakapagpasaya sa kanya, sa pagkatao niya.”

Panoorin ang kanilang reaksyon:

Isa rin sa binalikan nilang eksena ang pangro-roast na ginawa ng mga Donna kay Brianna.

Reaksyon naman ni Althea sa video, nakaka-good vibes ang eksena para sa kanyang karakter na si Donna Belle.

Saad niya, “Hindi ko po malilimutan 'yung eksenang 'yun.

“Akin po, GV [good vibes] kasi nakatapat ko doon si Brianna kasi gusto ko po kasi laging kaaway si Brianna.

“At saka 'yung linya ko po doon, maganda 'yung mga sinasabi ko kay Brianna.”

Panoorin ang kanilang reaksyon sa scene na may two million views YouTube: