
Masaya ang mga manonood ng Prima Donnas na nagbati na ang pagkakapatid na Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo).
Sa episode kahapon, February 8, humingi na ng tawad sa isa't isa ang magkakapatid habang nagpapagaling sa ospital ang kanilang Nanay Lilian (Katrina Halili).
Bukod sa pagkakabati ng mga Donna, nagkaayos na rin sina Donna Lyn at Lilian. Dahil dito, masaya ang mga manonood dahil bumalik na ang dating samahan ng magkakapatid.
Ano kaya ang mangyayari ngayong pag maayos na ang relasyon nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn?
Mapapanood ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga karakter sa Prima Donnas dito: