What's on TV

PANOORIN: Mga makabagbag-damdaming eksena ng 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 12, 2020 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

prima donnas top rating episodes


Magbabalik na ang 'Prima Donnas' simula August 17! Pero bago ito, balikan muna ang ilang eksenang nagpaluha sa atin.

Nakilala ang Prima Donnas dahil sa mga eksenang tumagos sa ating puso at nagpaluha sa ating lahat.

Siguradong tumatak ang emosyonal na pagkikita nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo) matapos nilang mawalay sa isa't isa noong mga bata pa sila.

Isa rin sa mga pinakaemosyonal na eksena ng Prima Donnas ay ang muling pagkikita ng mga Donna at ng kanilang surrogate mother na si Lilian (Katrina Halili).

Napatunayan ni Lilian na totoo ang sinasabi nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn nang kinanta nila ang "Tatlong Prinsesa ni Nanay,"na itinuro niya noong mga bata pa sila.

Bukod diyan, panoorin ang iba pang tumatak at makabagbag-damdaming mga eksena ng Prima Donnas.

Prima Donnas

Balikan ang ilang nakakaiyak na eksena ng 'Prima Donnas.'

Kung hindi niyo nasimulan ang Prima Donnas, tumutok lang sa GMA Afternoon Prime simula August 17.

Muling babalikan ng Prima Donnas kung paano nagsimula ang mga kuwento nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Prima Donnas'