WATCH: Jillian Ward reveals secret behind 'Prima Donnas's success
Inamin ng mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo kung ano ang kanilang ginawa upang mapataas ang ratings ng kanilang programa.
Ayon kay Jillian, nagdarasal sila tuwing bago magsimula ang taping kaya naman patuloy ang kanilang pamamayagpag sa ratings.
"'Yung harmony po namin sa taping and actually nagsimula po na talagang tumaas 'yung ratings namin, napansin ko po, ever since nagdadasal po kami kada start ng taping," kuwento ni Jillian.
Ayon naman kay Althea, iba na ang kanilang samahan sa set kaya mas may teamwork na.
"Una sa lahat, hard work lang tsaka 'yung teamwork namin lahat. 'Yung sama-sama kami, 'yung walang nale-left out, lahat magkakaibigan, isang pamilya kami dito," pag-amin ni Althea.
Ikinuwento rin nina Jillian, Althea, at Elijah kung ano pa ang mga dapat abangan sa Prima Donnas.
Panoorin:
Patuloy na panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.
Kung may nakaligtaan ka namang episode, puwede nang mag-catch-up ng full episodes ng Prima Donnas!
Pumunta lamang sa GMANetwork.com o i-download ang GMA Network app sa App Store at Google Play.