
Sa January 17 episode ng Prima Donnas, mararamdaman na ni Brianna (Elijah Alejo) na hindi siya mahal ni Lady Prima (Chanda Romero) habang si Donna Marie (Jillian Ward), naghihintay pa rin na mapatunayang tunay siyang anak ni Jaime (Wendell Ramos).
Ramdam na ni Brianna (Elijah Alejo) na hindi na siya ang paborito ni Lady Prima (Chanda Romero) matapos malaman nito ang mga tunay na Claveria.
Sa pangawalang resulta ng DNA test, mapatunayan na kaya ni Lilian (Katrina Halili) na anak nga ni Jaime (Wendell Ramos) si Donna Marie (Jillian Ward)?
Nais lamang ni Donna Marie ang magkaroon ng kumpletong pamilya ngunit tila mapagkait ang tadhana.
Huwag palampasin ang lalong gumagandang istorya ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas, ang Prima Donnas, pagkatapos ng Magkaagaw.