TV

Pag-alis ni Donna Marie sa bahay ng mga Claveria | Ep. 105

By Aaron Brennt Eusebio
Sa January 10 episode ng 'Prima Donnas,' nagpaalam na sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo) sa nakakatanda nilang kapatid na si Donna Marie (Jillian Ward).

Sa January 10 episode ng Prima Donnas, naging emosyonal si Jaime (Wendell Ramos) at humingi ng tawad sa kanyang mga anak na sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo) dahil hindi agad siya naniwala rito noon.

Madamdamin namang nagpaalam sina Donna Belle, Donna Lyn, Jaime, at Lady Prima (Chanda Romero) kina Donna Marie (Jillian Ward) at Lilian (Katrina Halili).

Kahit mahirap, walang magagawa si Donna Marie kung hindi umalis muna pansamantala sa bahay ng mga Claveria para hanapin ang dahilan kung bakit hindi nag-match ang DNA test nila ni Jaime.

Panoorin ang January 10 highlights ng Prima Donnas:

Huwag palampasin ang lalong gumagandang istorya ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas, ang Prima Donnas, pagkatapos ng Magkaagaw.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.