Cast ng 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa,' ipinakilala na!
Sina Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk Benjamin Alves ang magtatambal sa bagong GMA Afternoon Prime soap na pinamagatang 'Pinulot Ka Lang sa Lupa.'
Story conference
Ipinakilala ang mga Kapuso stars na gaganap sa pinakabagong aabangang serye na 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' sa mismong story conference nito.
Gina Alajar
Sa direksyon ng beteranang aktres, tutulungan niya ang mga bibida na hubugin ang mga karakter nito.
Gilda Olvidado
Isa sa mga brainstormers ang beteranang manunulat ng kuwento na base rin sa kanyang 1987 comics na 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa.'
Lharby Policarpio
Pasulpot-sulpot ang mga roles ng 'To The Top' finalist na si Lharby Policarpio sa mga GMA shows. Dito na kaya siya tatatak sa atin, mga Kapuso?
Geleen Eugenio
Siguradong hindi sasayaw ang beteranang choreographer sa show dahil mabigat ang tema nito. Ano kaya ang kanyang magiging papel?
Julie Anne San Jose, Benjamin Alves
They've got big shoes to fill! Dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion ang mga papel nina Santina at Ephraim sa 1987 film. Ang JulieBen naman ang magpapatibok ng inyong mga puso sa serye.
LJ Reyes
An angel in disguise ang magiging character dito ng award-winning indie actress. Magtagumpay kaya siya sa kanyang mga pakulo?
Ara Mina
Nagbabalik Kapuso ang dating sexy actress. Magiging kakampi kaya siya ng bida o magiging katunggali?