TV

EXCLUSIVE: Martin del Rosario, na-friend zone?

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: March 9, 2017, 06:22 PM
“Na-friend zone [ako] pero hindi ko naman din napakita [sa kanya na] gusto ko siya.” - Martin del Rosario

May hugot pala ang pagganap ni Kapuso star Martin del Rosario sa GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa bilang si Kiko.

Na-in love kasi ang kanyang karakter sa kaibigan nitong si Santina ngunit mukhang hindi masusuklian ang kanyang pagmamahal dahil may mahal na itong iba.

WATCH: Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, nagkaaminan na ng feelings? 

Magkarelasyon ang mga karakter nina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk Benjamin Alves ngunit bulalas ng dramatic actor, “Nagmamahalan sila [pero] gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin si Julie.”

 

Minsan na ring nangyari ito kay Martin sa totoong buhay, “Na-friend zone [ako] pero hindi ko naman din napakita [sa kanya na] gusto ko siya.”

READ: Martin del Rosario, umaming may crush kay Kylie Padilla 

Masakit daw sa loob ang nangyari kaya payo ng aktor, “Siguro ang maganda, sabihin mo na lang diretso [ang nararamdaman mo para] at least malinaw kaysa ‘yung [may] regret sa dulo. Kasalanan mo din [kung] wala kang ginawa [at napunta sa iba, kumbaga] harapin mo na lang ang consequences.”

Ngunit, babala ng Gawad Urian awardee, “‘Pag kabarkada mo, ‘wag mo na lang sabihin kasi baka awkward.”

MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':

READ: Jean Garcia, may payo kay Benjamin Alves pagdating sa love life 

MUST-WATCH: Sexy fight scene nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ viral na! 

WATCH: Julie Anne San Jose, nahuli si Benjamin Alves sa akto?

Photos by: @martinmiguelmdelrosario(IG)

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.