What's on TV

WATCH: Julie Anne San Jose at LJ Reyes, magsasampalan sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa!'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2017 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang tagisan ng tarayan at labanan ng kaseksihan nina Julie Anne at LJ mamayang 4:15 p.m.

Mapapanood na ngayong araw, March 1 ang remake ng iconic fight scene nina Santina at Angeli sa Pinulot Ka Lang sa Lupa.

 

 

LOOK: Sampalan nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes, mapapanood na mamaya!
 
Ang namamasukang kusinera sa mga Esquivel na si Santina na siyang ginagampanan ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ay maninindigan na at mahigpit niyang makakalaban si Angeli sa katauhan ni Kapuso star LJ Reyes.
 
Si Angeli naman ang inampon ni Diony noong batang palaboy pa lamang siya at pagkatapos ng mahabang panahon ay na-in love siya sa kanyang kinakapatid na si Ephraim na ginagampanan ni Kapuso hunk Benjamin Alves.
 
Isang love triangle ang namuo sa kuwento at hindi makakapayag si Angeli na ipinagpalit siya ni Ephraim sa isang katulong na dating kababata ng binata.
 
Behind the scenes: Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, sexy sa ‘Pinulot Ka Lan sa Lupa!’
 
Hindi rin papayag si Santina na inaapi lang siya ni Angeli kaya magkakabanggaan ang dalawa at magsasampalan sa poolside.
 
IN PHOTOS: Julie Anne San Jose at LJ Reyes, magpapatalbugan sa kaseksihan!
 
Dati nang ginampanan ng mga beteranang aktres na sina Lorna Tolentino at Diamond Star Maricel Soriano ang sexy at matinding awayan na ito sa 1987 movie na Pinulot Ka Lang sa Lupa.
 
Panoorin ang tagisan ng tarayan at labanan ng kaseksihan ng Kapuso stars mamaya sa GMA Afternoon Prime ng 4:15 p.m.
  

 

 


MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':
 
WATCH: Benjamin Alves at Julie Ann San Jose, nagkaaminan na ng feelings?
 
LOOK: First on-screen kiss nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, nag-trending!
 
LOOK: Benjamin Alves, nagseselos kay Martin del Rosario dahil kay Julie Anne San Jose?