LOOK: First on-screen kiss nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, nag-trending!
Talagang sinubaybayan ng mga manunuod ng Pinulot Ka Lang sa Lupa ang first on-screen kiss ng rumored couple na sina Kapuso star Benjamin Alves at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.
Bilang childhood friends na sina Ephraim at Santina, hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa’t isa kahit pa sila ay nawalay ng panahon. Nang malaman nilang sa iisang bubong lang pala nakatira ang dating nawalay na magkaibigan, agad na may namuong pagtitinginan sa dalawa.
Nanguna sa Twitter trends ang unang halik ng magka-love team na ikinatuwa ng mga fans ng BenLie.
Nagpasalamat ang Kapuso leading man sa pagmamahal ng kanilang mga tagasuporta.
Hello to all #JulieBen, #BenLie, #Benjies, and #TeamOink! Thank you for watching and making us trend this week! Happy weekend. ???? pic.twitter.com/iy4DMjuzbk
— Benjamin Alves (@benxalves) February 24, 2017
Samantala, gumaganap naman bilang best friend sa role ni Julie Anne si Kapuso actor Martin del Rosario. Siya si Kiko, may lihim ding patingin kay Santina. Nang tanungin si Martin ng isang netizen kung may plano daw ba si Kiko na ligawan si Santino, "Hulaan niyo" ang kanyang naging tanging sagot.
Hulaan niyo. https://t.co/94z8GCUVKv
— Martin Del Rosario (@mart_drosario) February 24, 2017
Hindi rin nagpatalo ang fans nina Kiko at Santina at pinaringgan pa ang writer ng show na bigyan rin ng kissing scene ang mag-best friends.
Bigyan ng Kissing Scene ang SanKiko.
— Ara Marie Correa (@AraMarie_Correa) February 24, 2017
Ehem! Ehem! Sir @WickedOne721 beke nemen. hahaha#PKLSLTheKiss
Subaybayan ang namumulaklak na pag-iibigan nina Ephraim at Santina at ang mga makikihati na sina Kiko at Angeli na ginagampanan ni Kapuso actress LJ Reyes.
MORE ON BENLIE:
READ: Benjamin Alves to Julie Anne San Jose: “Akin ka lang”
READ: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ star Benjamin Alves, may pick up lines kay Julie Anne San Jose
LOOK: Julie Anne San jose and Benjami Alves spend Christmas break together