Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition first nomination night
TV

'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates, sasabak na sa first nomination night

By EJ Chua
Magaganap na ngayong Linggo ang kauna-unahang nomination night sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Mas exciting pang mga eksena ang mapapanood sa susunod na episodes ng teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Magaganap na ang kauna-unahang nomination night ng programa ngayong darating na Linggo, March 23.

Sinu-sino kaya sa Kapuso o Sparkle stars at Kapamilya o Star Magic artists ang nominado?

Narito ang current list ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duo housemates:

  • Dustin Yu (Sparkle) at Esnyr (Star Magic)
  • Ashley Ortega (Sparkle) at AC Bonifacio (Star Magic)
  • Will Ashley (Sparkle) at River Joseph (Star Magic)
  • AZ Martinez (Sparkle) at Kira Balinger (Star Magic)
  • Mika Salamanca (Sparkle) at Brent Manalo (Star Magic)
  • Michael Sager (Sparkle) at Ralph De Leon (Star Magic)
  • Josh Ford (Sparkle) at Klarisse De Guzman (Star Magic)

Samantala, pansamantalang safe sa nominasyon ang Sparkle talent na si Charlie Fleming matapos niyang matanggap ang unang immunity shield.

Matatandaang sa episode na ipinalabas noong March 18, ipinakilala na ni Big Brother ang bagong celebrity housemate na si Bianca De Vera, na kilala ngayon bilang ang Sassy Unica Hija ng Taguig.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.