GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Valentine's Day gift ni Elsa kay Pepito, pahirapan buksan

By Aedrianne Acar
Published February 15, 2023 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Bidang milyonaryo na si Pepito (Michael V.), mabuksan kaya ang custom-made wooden puzzle na naglalaman ng surprise ni Elsa (Manilyn Reynes)?

May unique na regalong matatanggap si Pepito Manaloto (Michael V.) mula kay Elsa (Manilyn Reynes) sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Para extra special ang surprise niya ngayong Valentine's Day, nagpagawa ng wooden puzzle si Elsa sa isang toy maker- laman nito ang sorpresa niya para sa mister.

Pepito Manaloto episode

Confident ang ating bidang milyonaryo na maso-solve niya ang puzzle, kaso napupuyat na siya kakaisip kung paano ito mabubuksan.

Para hindi malaman ni Elsa, ipapa-solve ni Pitoy sa mga empleyado niya sa PM Mineral Water ang custom-made wooden puzzle.

Isa kaya sa kanila ang may talino at diskarte para mabuksan ito?

Walang iwanan at sama-samang manood with the whole family ng new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, February 18 sa oras na 7:00 p.m..

Mae-enjoy n'yo rin ang adventure ng Manaloto family sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

COOL THROWBACK PHOTOS FEATURING THE CAST OF PEPITO MANALOTO: