GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Elsa, nagtatampo sa kanyang pamilya?

By Aedrianne Acar
Published December 27, 2022 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anton Vinzon reacts to fan ship with Carmelle Collado
Young students showcase math skills in Mangaldan
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Ano ang nangyari sa mansyon ng mga Manaloto? Tutukan ang puno ng aral na episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' ngayong December 31.

May nagbabadyang problema bago sumapit ang Bagong Taon sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

May tampo si Elsa (Manilyn Reynes) kay Pepito (Michael V.) at sa mga anak niya, dahil wala kasing interesado na tikman ang ginawa niyang special na porchetta.

Magpapaalam ito na mag-out of town para um-attend ng isang food seminar. And ending, maiiwan tuloy sina Pepito, Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) sa mansyon at wala ang kanilang magaling na chef.

Ano ang ipapakain ni Pitoy sa kanyang mga anak habang wala ang misis?

Idagdag mo pa na dadating ang tatay niyang si Mang Benny (Bembol Roco) na nagki-crave ng masarap na kaldereta.

Paano na ang Media Noche ng Manaloto fambam kung may hinanakit si Elsa?

Walang iwanan sa panonood ng New Year's special sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong December 31, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:30 pm.

THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO: