Pepito Manaloto: Sino sa dalawang interns ng PM Mineral Water ang magpapabilib kay Pepito?
Interesting ang mangyayari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this week dahil magiging busy si Pepito (Michael V.) sa mga ganap sa PM Mineral Water.
May mga bagong interns sa kumpanya ni Pitoy -- ang go-getter na si Jess at ang sosyal na si Cara.
Sino sa dalawang naggagandahang ladies ang mas aangat sa mata ni Pitoy at mga empleyado ng bida nating milyonaryo?
Isa rin ba sa kanila ang puwede maging bagong girlfriend ni Chito (Jake Vargas)?
Samantala, challenging naman ang business deal ni Pepito kay Mr. Gabriel dahil sa oras na naiisip nito na nakakaranas siya ng déjà vu, naniniwala siya na may masamang mangyayari.
Meant to be kaya ang deal ni Pitoy with Mr. Gabriel?
Sama-samang tumawa with your family and friends this Saturday night dahil makakasama rin natin sa Pepito Manaloto ang special guests natin na sina: Sophia Señoron, Haley Dizon, at Jackie Lou Blanco.
Tutukan this coming July 23 ang award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:15 p.m..
TINGNAN ANG ICONIC TRAITS NG PABORITO NYO NA PEPITO MANALOTO CHARACTERS: