Behind-the-scenes: Bea Alonzo makikigulo sa 'Pepito Manaloto'
Memorable ang magiging long weekend n'yo, dahil makikisaya ang multi-awarded TV and movie idol na si Bea Alonzo sa high-rating comedy program na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes!
Nauna nang ipinasilip ni Bea sa kaniyang Instagram account ang ilan sa highlights ng guesting niya sa flagship sitcom na 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.'
Ayon sa magaling na aktres na “perfect timing” na naka-eksena na niya finally ang award-winning comedian at creative director na si Bitoy.
Post ni Bea, “Nakilala ko na sa personal si Bitoy! When I guested on Bubble Gang last year, I thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun. I did a guesting on Pepito Manaloto (a 12-year-old show! wow!) at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V.! I remember growing up, pinanonood ko ang mga parodies nya at pagtatagalog ng western songs!”
Heto ang pasilip sa much-awaited guesting ni Miss Bea Alonzo sa 'Pepito Manaloto' universe sa darating na February 25, mga Kapuso!
Script reading
Checking muna ng script sina Pepito at Patrick. Ano kaya ang mangyayari dito sa eksena nina Michael V., John Feir, at Bea Alonzo?
Maria
Game na nagpa-picture si Bea Alonzo kay Janna Dominguez. Gumaganap si Janna bilang kasambahay ni Pepito na si Maria.