What's on TV

Michael V., may hamon sa OG fans ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published April 24, 2025 11:48 AM PHT
Updated April 24, 2025 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto 15th anniversary


Patingin nga ng score n'yo, mga Kapuso! Sagutin na ang 'Kuwentoversary Quiz!'

Labinlimang taon na tayo pinapasaya lingo-linggo ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.

Hindi na mabilang na kuwento ang ating nasaksihan tungkol sa Manaloto family sa pangunguna nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).

Idagdag mo pa ang sandamakmak na karakter na ating minahal sa flagship sitcom mula sa pamilya ni Pitoy, kasama sa mansyon, mga kapitbahay, at pati na rin ang kuwela niyang empleyado sa PM Mineral Water.

Kaya naman kung 'OG' fan ka ng Pepito Manaloto, kakasa ka sa hamon ng multi-awarded comedian na si Michael V. na sagutin ang 'Kuwentoversary Quiz!'

Bisitahin lang ang GMANetwork.com at puntahan ang showpage ng programa. Sagutin ang online quiz namin at i-flex n'yo ang naging score n'yo by tagging our official social media pages.

Kaya n'yo kayang 'sumakses' at makakuha ng perfect score?