
Itotodo na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang pagbibigay ng 'More Tawa, More Saya' sa huling Sabado ng Marso.
Ang misis ni Pepito (Michael V.) na si Elsa (Manilyn Reynes), sobrang nahuhumaling sa K-drama series na 'More Than Words.' Kaya naman special request niya sa mister na ma-feel ang 'K-lig feels' at mag-date sila sa bagong Korean restaurant.
Ang problema, busy naman si Pitoy sa mga gusto niyang gawin bago mag-back to work sa PM Mineral Water matapos ang mahaba niyang leave.
Nandiyan ang makipag-video game kay Chito (Jake Vargas) at maki-bonding si Clarissa (Angel Satsumi).
Masingit kaya ng bida milyonaryo ang date nila ni Elsa bago siya magbalik sa kumpanya?
Sundan ang mga ganap sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. ngayong March 29, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now