'Mga Tanong sa Utak ni Maria' ni Janna Dominguez, kinaaliwan online!
Kuhang kuha ng Pepito Manaloto actress na si Janna Dominguez ang kiliti ng netizens sa bago niyang series of online content na "Mga Tanong Sa Utak ni Maria."
Ang karakter na Maria ang lutang na kasambahay ng mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na matagal ng ginagampanan ni Janna.
Ang unang video nito na ang tanong, “Ang baby, dapat bata lang?” ay may mahigit 1.2 million views na sa TikTok.
Tawang tawa rin ang fans at netizens na nakapanood sa video ng Kapuso comedienne.
Samantala, malapit nang mapanood ng publiko ang anniversary and summer special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
May pasilip na ang award-winning sitcom sa mga aabangang eksena sa trip ng Manaloto family. Saan kaya bibiyahe sina Pitoy this summer?
Tutukan ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. tuwing Sabado, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now