Tony Lopena
Source: GMA Network
TV

'Pepito Manaloto' star Tony Lopena, masaya kapag tinatawag na Vincent ng mga nakakakilala sa kanya

By Aedrianne Acar
Proud si Tony Lopena na parte siya ng 15th anniversary ng award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto.'

Puno ng pasasalamat ang versatile actor na si Tony Lopena na parte siya ng legacy ng Pepito Manaloto na magdiriwang ng 15th anniversary nito this 2025.

Gumaganap si Tony sa award-winning Kapuso sitcom bilang si Vincent, ang gay employee ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water.

Sa panayam niya sa GMANetwork.com sa More Tawa, More Saya: A GMA Comedy Show event last month, ibinahagi niya kung bakit nanatiling loyal sa Pepito Manaloto ang kanilang audience.

Paliwanag niya, “Ang nakakatuwa lang, siguro nasuwertehan lang namin. Kasi 15 years na ang Pepito Manaloto, kasama kami tumatanda ng audience. Kasama kaming nagkaka-edad ng mga televiewers namin, kaya mas lalo silang nakaka-relate sa amin.

“Malaki na si Clarissa (Angel Satsumi), may boyfriend na si Clarissa. Nag-debut na siya, may love life na si Chito (Jake Vargas). Ganun kami, so 'yung mga bata na nanonood noon hanggang ngayon, may asawa na sila, may anak na sila, nandidito pa rin ang Pepito Manaloto. Kakambal na ng buhay nila ang Pepito Manaloto.”

Labis din ang saya niya na nagmarka sa mga tao ang pagganap niya bilang si Vincent. May mga pagkakataon na may nakakakita sa kanya at tinawag siya sa pangalan niya sa Pepito Manaloto.

Pagbalik-tanaw ni Tony, “Hindi na ako tinatawag na Tony, Vincent ang sinisigaw. So, nakakatuwa.”

Pagpapatuloy niya, “You know itong Pepito Manaloto, hindi lang talaga siya nag-focus sa pamilya Manaloto. Umikot siya sa lahat ng iba't ibang characters, iba't ibang klase ng tao.

“Kaya lalong naka-relate ang mga audience. Katulad namin, 'yung office team, hindi ba! Iba-ibang characters kami dun, ang galing nga, kasi masyadong markado na ang aming mga pangalan, ang aming mga character sa mga tao na kapag nakita kami in public, e, ang pangalan namin ay 'yung pangalan sa Pepito.”

Tony Lopena

Source: tony_lopena (IG)

Walang aabsent sa tuloy-tuloy na saya na hatid ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:15 p.m.

RELATED CONTENT:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.