Jake Vargas and Angel Satsumi in Pepito Manaloto
TV

Jake Vargas at Angel Satsumi, napagkakamalang magkapatid?

By Aedrianne Acar
'Pepito Manaloto' stars na sina Jake Vargas at Angel Satsumi, ano sinasabi sa mga tao na inaakala na magkapatid sila?

Tumatak na sa isipan ng publiko ang roles ng Kapuso actor na si Jake Vargas at Angel Satsumi bilang magkapatid na sina Chito at Clarissa sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

At sa nalalapit na pagdiriwang ng 15th anniversary on TV ng flagship sitcom next year, madalas na nangyayari na nagpagkakamalang silang magkamag-anak sa totoong buhay, sa tagal na nilang gumaganap bilang mga supling nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).

“Ang dami” tugon ni Jake. “Lalo na kunwari may show kami, lumabas kami. [May magtatanong], 'Magkapatid ba kayo sa personal?'

“'Hindi sa show lang kami magkapatid.' Nakakatuwa.”

Sabat naman ni Angel “'Totoo ba kayong pamilya?' Marami nagko-comment sa live. 'Ano, totoo ba kayong family? Totoo ba kayo magkapatid?'

“Sabi ko, ang galing!”

Dagdag pa ni Jake, “Nakakatuwa kasi na-appreciate nila 'yung mga ganung bagay.”

“At tsaka, ang dami nagsasabi na magkakamukha na raw kaming apat.” natatawang hirit ni Angel

Ang kuwento ng Pepito Manaloto ay nagsimula nang tumama ng jackpot prize sa lotto na Php 700 million si Pepito, pero sa pagdaan ng mga taon hindi lang naka-focus sa adventure ng pamilya Manaloto ang kuwento ng hit sitcom.

Sa katunayan, may mga episodes kung saan ang bida ang lovelife nina Chito at Clarissa o di kaya ang mga empleyado sa PM Mineral Water.

RELATED CONTENT: Meet the adventurous performer John Clifford

Ilang beses na rin daw nabiro si Angel ng fans ng show tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ni Clarissa.

Aniya, “Ang dami nagko-comment na dahil nagka-boyfriend na ako, parang lalo nila napatunayan na parang tumanda na sila. Matanda na sila, kasi parang siyempre nakita nila 'yung growth ko simula. Nag-start ako four-years-old pa lang ako. Ngayong 18 na ako.”

Naniniwala rin ang dalaga na mas kaaabang-abang ang bawat episode ng Pepito Manaloto dahil masaya at makulay din ang buhay ng mga karakter at supporting cast.

Paliwanag ni Angel sa GMANetwork.com: “Maganda siya for each character, kasi kahit hindi every week parang napapakita namin 'yung character namin. Parang, kung ano nangyari sa buhay ni Chito, ano nangyari sa buhay ni Clarissa. So maganda siya, kasi hindi siya parang nakaka-umay na puro episode ganito lang.”

Sumang-ayon din dito si Jake na sinabing, “Si Kuya Bitoy naman talagang hindi niya pinapabayaan 'yung bawat character namin sa Pepito Manaloto, lahat binibigyan niya ng magagandang stories. Lalo na 'yung character ni Chito, ang dami nangyari sa kaniya. Panoorin n'yo na lang guys.”

Sa ibang balita, nasungkit ng Pepito Manaloto ang parangal bilang Most Outstanding Comedy Show sa 7th Gawad Lasallianeta awards.

Samantala, itinanghal din ng naturang award-giving body si Direk Michael V. bilang Most Outstanding Comedian.

RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' star Angel Satsumi's beautiful transformation

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.