
May shocking changes na mangyayari sa PM Mineral Water ngayong Sabado ng gabi!
Sa all new-episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, kinakailangan muna magpahinga ni Boss Pepito (Michael V.) nang ilang buwan, matapos payuhan ng doctor na magpahinga dahil sa tumataas niyang blood pressure.
Kaya naman maingay na ang pansamantalang halili kay Pitoy at magiging interim chief executive officer ng kumpanya, ang reliable assistant niya na si Janice (Chariz Solomon).
Pero laking gulat ng lahat at kahit mismong si Janice na ang in-appoint ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) bilang interim CEO ay si Elizabeth (Bianca Manalo)!
Totoo kayang walang tiwala si Pitoy sa misis ni Patrick (John Feir)?
At makasunod kaya nina Mara (Maureen Larrazabal) at iba pang empleyado ang kanilang new lady boss?
Sundan ang unli-tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong October 19 sa oras 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.