Pepito Manaloto: Takbo, Clarissa!
May fun run ang Manaloto fambam this Saturday night!
Sa all-new episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, naisipan ni Boss Pepito (Michael V.) na mag-sponsor ng isang marathon event para magsilbing promotion ng kanilang PM Sports Drink.
Maiisipan ni Clarissa (Angel Satsumi) na sumali rito kahit inaasar ng kaniyang Kuya Chito (Jake Vargas).
Matapos kaya ng unica hija ni Pitoy ang 5K marathon sa tulong ng kaniyang running coach o mas pipiliin nito na tumakbo palayo sa challenge na makarating sa finish line?
Sulit ang paghihintay sa mga Manaloto this weekend dahil sasamahan pa kayo ng special guests na sina Nadine Samonte, Yuan Francisco, at Caitlyn Stave.
Solid ang saya ng weekend break habang nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado sa oras 6:15 p.m. bago ang Running Man Philippines season two.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST