
Uy, may lakad ang Manaloto family at imbitado tayo! Teka, lahat nga ba dapat kasama?
Exciting ang mga susunod na episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil mapapanood na ang summer special na pinakahihintay ng lahat!
Ang magasawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), gusto magbakasyon kasama sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi).
Family trip sana ang plano ng dalawa. 'Yun nga lang, naikuwento ni Clarissa sa mga kasambahay ang lakad at ang akala nila ay imbitado rin sila.
Mukhang lalala pa ang miscommunication lalo na at nalaman ni Patrick (John Feir) na nagpapahanap si Pitoy ng resort kay Janice (Chariz Solomon) at iisipin nito na isasama sila ng kaniyang misis.
Umabot pa sa punto na nalaman pati ng mga empleyado sa PM Mineral Water ang bakasyon!
Mangyari pa kaya ang inaasam-asam nina Pepito at Elsa na tahimik na family vacation kung naging isang malaking outing na ang lakad?
Tuloy ang summer saya na episode this Saturday night at makakasama natin ang mga celebrity guest na sina Wilma Doesnt, Nino Alejandro, at Jimwell Ventenilla.
Maghanda tayo para sa isang best adventure ever para sa part one ng summer special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa mas pinaaga nitong oras na 6:15 p.m. ngayong May 25.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST