Pepito Manaloto: Sabado tawanan kasama ang Manaloto family
May shocking na mangyayari sa kumpanya ng mga Manaloto this Saturday night sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
May pagtatalong mangyayari kina Vincent (Tony Lopena) at Tommy (Ronnie Henares).
Nagagalit kasi ang boyfriend ni Mara (Maureen Larrazabal) dahil binabalaan ni Vincent ang mga tao na sablay ito sa pagbabayad ng utang.
Pero mas nagulat ang lahat sa PM Mineral Water nang pagalitan ni Pepito (Michael V.) si Vincent dahil pumalpak ito sa isang project.
Maging sanhi kaya ito para mag-resign nang tuluyan ang beki friend ni Mara sa kumpanya?
At ang mag-asawang Manaloto, makakasalamuha muli ang mag-asawang parehong Alex ang pangalan this Saturday night.
Certified babaero ang mister ni Alex at naipit na si Pitoy sa away ng dalawa noon.
Maulit kaya ang mga nangyari, lalo na at tinanong ng misis ni Alex kay Elsa kung ano ang business dealings nito sa ating bidang milyonaryo.
Todo ang level na sayang hatid ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento kaya yayain ang buong pamilya na manood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:00 p.m., pagkatapos ng Amazing Earth.
Msasaksihan n'yo na rin ang tawanan ng Pepito Manaloto sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
TINGNAN ANG THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST: