Pepito Manaloto episode on November 27
TV

Pepito Manaloto: Takot nga ba si Pepito kay Tiyang Lena?

By Aedrianne Acar
Updated On: January 26, 2022, 06:41 PM
Uubra ba si Pepito (Sef Cadayona) sa terror auntie na si Tiyang Lena (Sherilyn Reyes-Tan)? Panoorin sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' ngayong Sabado.

May sagabal sa panliligaw ng bida natin sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Mukhang kahit ano'ng moves ni Pepito (Sef Cadayona), nakabantay lagi ang terror auntie ni Elsa (Mikee Quintos).

May magawa kaya ang Caniogan cutie sa conservative na si Tiyang Lena (Sherilyn Reyes-Tan)?

Source GMA Network

Source: GMA Network

At ano itong ibinalita ni Aling Tarsing (Pokwang) sa kanyang mga kapitbahay na ikakasal na siya? Bakit parang invited ang lahat?

Tara na at mag-relax kasama ang buong pamilya sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado, January 29, 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.