Pepito Manaloto: Last na ba 'to?
Tila nababahala ang kapitbahay ni Elsa (Manilyn Reynes) sa kumakalat na balita tungkol sa isang kasamabahay na nilason ang kanyang amo.
Magawa kaya ito ni Berta (Jen Rosendahl) kay Mimi (Nova Villa) na laging palyado sa pagpapasuweldo sa kanya?
At ano itong pahiwatig tungkol sa “last kuwento" ng mga Manaloto.
Manood ng kaabang-abang na episode ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa darating na Sabado, May 22, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras 6:15 PM sa hindi mapantayan na Sabado Star Power sa gabi.