TV

Pepito Manaloto: May magbabalik sa buhay ni Chito

By Aedrianne Acar
Updated On: February 8, 2019, 12:28 PM
Maka-move on na ba sa wakas si Chito just in time for Valentine's Day o ang pagbabalik ng isang tao ang magiging susi para muling tumibok ang kaniyang nadurog na puso?

Ano man ang relationship status ninyo mga Kapuso, sagot ng Pepito Manaloto ang kilig at tawanan this Saturday night.

Jake Vargas
Jake Vargas

Ang kayamanan ni Pepito Manaloto

Maka-move on na ba sa wakas ang panganay ni Pepito [Michael V] na si Chito [Jake Vargas] just in time for Valentine's Day o ang pagbabalik ng isang tao ang magiging susi para muling tumibok ang kaniyang nadurog na puso?

Dapat din tutukan kung matutuloy ba ang date na pinaghahandaan nang husto ni Elsa [Manilyn Reynes].

Makasama kaya niya si Pitoy sa araw ng mga puso kahit tambak ang trabaho nito sa opisina?

Abangan din ang pagbabalik ng Kapuso drama royalty na si Janine Gutierrez sa multi-awarded sitcom bilang pretty event organizer na si Hazel Anne!

Feel the love this Feb-ibig sa panonood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this February 9 pagkatapos ng 24 Oras Weekend!

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.