What's on TV

WATCH: Pepito Manaloto, from millionaire to magician?

By Aedrianne Acar
Published June 30, 2017 4:24 PM PHT
Updated June 30, 2017 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kuwelang kuwento ni Pepito na nagpaturo ng magic tricks sa The Amazing Zandro ngayong Sabado sa 'Pepito Manaloto.'

Macha-challenge ang bida nating milyonaryo nang hindi na-impress sina Chito at Clarissa sa magic trick na ipinamalas niya.

Kaya si Pepito hahanapin at magpapaturo sa isang magician na si The Amazing Zandro.

Magawa naman kaya niya mapa-wow ang mga bata matapos mag-aral sa ilalim ng isang legit magician?

Manghihina ang nanay ni Deedee na si Mimi at dahil kuripot ayaw nitong magpatingin sa ospital.

Para makatipid, pinayuhan ni Tommy na i-research na lang niya sa Internet ang kaniyang sakit. Ano’ng gagawin ni Mimi kapag ang sintomas ng sakit niya ay nag-match sa isang malubhang karamdaman?

Ngayong Sabado, sabayan ang buong bayan sa pagtawa sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.