WATCH: John Feir, sisikat dahil sa hotdog?
Ang dating favorite food ni Patrick (John Feir), magiging way niya para makilala at sumikat!
Abangan kung ano'ng mangyayari sa stint ng matalik na kaibigan ni Pepito (Michael V) sa isang hot dog commercial ngayong Sabado ng gabi.
Sumikat kaya si Patrick o sumablay ang performance niya sa commercial?
Huwag magpatumpik-tumpik mga Kapuso. Umuwi ng maaga at isama ang buong mag-anak sa panonood ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa June 10.