TV

Pepito Manaloto: Karibal ni Nikki sa puso ni Chito, makikilala na ngayong June 4

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: March 5, 2020, 02:10 AM

Sino kaya ang third party sa relasyon nina Chito at Nikki?

May magaganap na namang selosan sa pagitan ng lovebirds na sina Chito Manaloto at girlfriend nito na si Nikki.

Ang problema, malalaman ng guwapong anak ni Pepito na may gustong manligaw sa gf niya. Kaya itong si Chito determinadong buntut-buntutan si Nikky, huwag lang maagaw.

Kaso, papasok sa eksena ang Korean exchange student na si Karen na titira pansamantala sa bahay ng mga Manaloto.

Mawawalan tuloy ng time si Chito para kay Nikki, dahil aasikasuhin niya si Karen. Idagdag mo pang problema na pakiramdam ni Chito na may gusto ito sa kanya. Lagot na!

Ano kaya ang mangyayari kapag nadiskubre ni Nikki na may nagkakagusto sa boyfriend niya? Malusutan pa kaya ni Chito ang gulong ito?

Walang tigil na katatawanan ang hatid sa inyo ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na Sabado ng gabi (June 4) pagkatapos ng 24Oras Weekend at bago mag Lip-Sync Battle Philippines.  

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.