TINGNAN: Ang mga bida sa bagong 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'
Patuloy ang saya sa bagong kwento ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
Sa ngayon ay naka-season break ang long-running comedy program na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.
Matatandaan na noong March 2012, ginanap ang first season break ng flagship comedy program.
Pero kaagad ding bumalik sa ere ang show at ipinalabas ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento noong September 16, 2012.
Ngayon, busy na sa paghahanda ang GMA Network para sa prequel na tatawaging Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan tatalakayin ang buhay nina Pepito at Elsa noong '80s.
Kilalanin ang official cast members ng highly-anticipated prequel ng award-winning sitcom sa gallery na ito.
Michael V.
Huwag nang malungkot dahil ang paborito ninyong tandem na sina Michael V. at Manilyn Reynes ay mapanonood n'yo pa rin sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.' Bukod sa pagiging lead star ng show, creative director din ng 'Pepito Manaloto' si Direk Bitoy.
Pitoy
Paano kaya bibigyang-buhay ni Sef ang young version ni Pitoy? Source: sefcadayona (IG) and Pepito
Young Elsa
Mabusisi ang ginawang pag-aaral ni Mikee sa role, na matagal na ginagampanan ni Manilyn. Nagkasama sina Mikee at Manilyn sa fantasy series na 'Lost Recipe' sa GTV.
Pokwang
Pasok din sa star-studded cast ng 'Pepito Manaloto' prequel ang bagong Kapuso na si Pokwang.
Pepito Pokwang
Makakatrabaho ng multi-awarded comedienne ang mga kapwa niya bihasa sa comedy na sina Michael V. at Direk Bert de Leon
Kokoy de Santos
Ang Boys' Love (BL) series actor na si Kokoy de Santos ang magiging sidekick ni Sef na si Patrick.
Patrick
Sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento' malalaman na sa wakas kung bakit nahilig sa hotdog si Patrick.
Gladys Reyes
Pasok din sa cast ng 'Pepito Manaloto' prequel ang versatile actress na si Gladys Reyes. Matatandaang bumida siya noon sa comedy show na 'Bahay Mo Ba 'To' bilang si Kelly Mulingtapang noong 2004.
Pepito Gladys
May pasilip na ang magaling na aktres sa naging lock-in taping nila kung saan ka-eksena niya sina Pokwang at Kokoy de Santos. Source: iamgladysreyes (IG)
Archie Alemania
Magpapabilib din si Archie Alemania ng husay niya sa pagpapatawa sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.'
Pepito Archie
Swak na swak ang style ng comedy ni Archie sa 'Pepito Manaloto,' lalo na at nakakasama na niya sina Direk Bitoy at Sef Cadayona sa longest-running gag show na 'Bubble Gang.'
Denise Barbacena
Ano kaya ang magiging role ng singer-comedienne na si Denise Barbacena sa prequel ng 'Pepito Manaloto'?
Kristoffer Martin
Matapos ang heavy role niya sa 'Babawiin Ko Ang Lahat,' magpapasiklab naman sa comedy si Kristoffer Martin sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.'