IN PHOTOS: Mga babae sa buhay ni Chito Manaloto
Mahigit isang dekada na tayong binibigyan ng good vibes ng flagship comedy program ng GMA Network na Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi.
Pero bukod sa funny adventure ng bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.), nakapukaw atensyon din ang panganay na anak ni Pitoy na si Chito Manaloto (Jake Vargas).
Certified heartthrob ang panganay nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes), kaya hindi maikakaila na maraming girls ang nagkakagusto sa kanya.
Balikan ang mga importanteng babae sa buhay ng 'Pepito Manaloto' heartthrob na si Chito sa gallery below.
Angel Satsumi
Lagi mang inaasar ni Chito ang bunsong kapatid na si Clarissa (Angel Satsumi), pero siya rin ang number one protector nito.
ChiNikki
May kurot pa rin sa puso nang mag-break ang ChiNikki noong November 2018. May future pa rin kaya sina Chito at Nikki?
Janine Gutierrez
Naka-date din ni Chito ang party planner na si Hazel Anne. Paano kaya natanggap ng kapatid ni Chito na si Clarissa ang bagong dini-date ng kuya niya?
Kilig
Napangiti rin ang maraming viewers ng 'Pepito Manaloto' nang umamin si Chito noong February 2020 na nanliligaw na siya kay Hazel Anne.