LOOK: Jake Vargas and Angel Satsumi, best celebrity TV siblings
Walang makatatalo sa sweetness ng nina Jake Vargas at Angel Satsumi, ang best celebrity TV siblings sa hit Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.'
Silipin ang behind-the-scene photos ng magkapatid na Chito at Clarissa sa gallery na ito:
Pepito Manaloto
Nabuo na ang closeness sa cast ng 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento' na unang ipinalabas sa telebisyon noong March 2010. Ipinagdiriwang na ng award-winning Kapuso sitcom ang kanilang 10th anniversary ngayong taon!
Chito and Clarissa
Sa tagal na nila sa telebisyon, halos magkapatid na ang turingan nina Jake Vargas at Angel Satsumi, na gumaganap bilang anak nina Pepito at Elsa na sina Chito at Clarissa.
Manaloto siblings
Aww! Certified na cutie si Angel Satsumi sa selfie na ito ng Kuya Jake niya noong January 15.
Baby Angel
Binuko ni Jake Vargas na mahilig mag-selfie ang baby nila sa 'Pepito Manaloto.' Wika niya, "Isang makulit na bata na mahilig magselfie sa phone ko.Joke lang baby angel."
Birthday 2019
Heto ang nakatatawang birthday post ni Angel Satsumi para kay Jake Vargas last July 2019.
Fun trip
Piggy back ride with Jake Vargas. Patuloy na magbibigay ng good vibes ang magkapatid na sina Chito at Clarissa tuwing Sabado ng gabi sa 'Pepito Manaloto'!
Click personalities
Hindi man palaging magkasundo ang kanilang roles sa 'Pepito Manaloto,' magkasundung-magkasundo naman sina Jake Vargas at Angel Satsumi off-cam.
Well-received 'siblings'
Hindi lamang ang partnership nina Michael V at Manilyn Reynes ang kinagigiliwan ng publiko sa 'Pepito Manaloto' dahil ang pagganap nina Jake at Angel bilang magkapatid ay patok din sa mga ito.
In between takes
Hindi nawawala ang kulitan at pagkuha ng selfie nina Clarissa at Jake in between takes.
Cute
Mahusay na nagagampanan nina Jake at Clarissa ang kanilang roles kaya naman puring-puri rin sila ng viewers.