Father Kokoy, better known as Pari Koy, is a priest who is known for his non-traditional and non-conformist ways of bringing people closer to God. But his own faith will be put to the test when he is assigned in the parish of Barangay Pinagpala and starts to deal with the people of the...
Hinahangaan ng lahat si Kokoy. Sa taglay niyang kagwapuhan at kabaitan, puwede siyang bansagan bilang certified crush ng bayan. Si Kokoy din ang tipong gugustuhin ng mga nanay, lola at tita para sa kanilang mga anak na babae. Siya ay mabait, maalaga, madiskarte, masipag at kahit palabiro ay punong-puno naman ng prinsipyo. Higit pa dito, siya rin ang tipong maaasahan sa panahon ng kagipitan. Sa laki ng matipuno at ma-tattoo niyang katawan, kaya niyang pataubin ang kahit sinong sanggano. Dahil dito, idol siya ng kabataan—kahit pa isa siyang pari. Ibang-iba kasi siya sa mga nakagawian nating pari.
Sa kasalukuyan, si Father Kokoy ang rakstar pero makatao at maka-Diyos na kura paroko ng isang parokya sa San Agustin. Mahal na mahal siya ng lahat at mahal na mahal din niya ang buong community. Halos pamilya na rin ang turing sa kanya ng mga ito dahil ilang taon na rin siyang nandoon, at marami na rin siyang naitulong at nagawa para sa mga tao. Pero heto na ang pinaka-malaking challenge niya dahil bigla siyang aalisin sa San Agustin upang ilipat sa isa sa mga pinakadelikado, pinakamahirap at pinakamagulong parokya sa Maynila -- ang Brgy. Pinagpala.
Ang Pinagpala ay pugad ng mga magnanakaw at drug addict. Dito, halos wala nang panahon ang mga tao na magsimba. Busy ang mga tao sa sariling buhay nila o kaya naman ay sa bisyo nila. Para bang hindi prayoridad ng karamihan dito ang pakikinig sa salita ng Diyos.
Upang mahikayat ang mga tao na mapalapit sa Diyos, lalabas si Kokoy sa lansangan at isa-isa silang kakaibiganin. At habang nakikipagkaibigan sa kanila ay unti-unti niyang tinuturuan ang mga ito tungkol sa salita ng Diyos. Gagawin niyang makatotohanan at makabuluhan ang Diyos sa buhay nila. Hanggang sa unti-unti nang napupuno ulit ang simbahan. Dumarami na ang nagbabalik-loob sa Diyos dahil sa kanilang parekoy na siyang nagiging sandalan nila sa oras ng pangangailangan.
Ngunit magkakaroon ng isang malaking pagsubok si Kokoy. Kung paano niya malalagpasan ito, kung paano niya haharapin at itutuwid ang naging pagkakamali sa nakaraan niya, at kung paano niya paninidigan ang kanyang pananampalataya ang siyang dapat abanagn sa seryeng ito.

Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.