Matapos nating mapanood ang Superstar na si Nora Aunor, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera naman ang susunod nating aabangan bilang guest star sa "Pari 'Koy."
By AL KENDRICK NOGUERA
Lalong nadaragdagan ang mabibigat na artistang kabilang sa Telebabad show na Pari 'Koy. Matapos nating mapanood ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera naman ang susunod nating aabangan bilang guest star.
Kahit malaki na ang tiyan dahil sa pagbubuntis, tinanggap pa rin ni Marian ang role sa Pari 'Koy kung saan bumibida ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes.