
Kabilang sa cast ng upcoming Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love ang beauty queen-actress at ngayon ay marine reservist na si Winwyn Marquez.
Kontrabida ang role niya rito ngunit iba sa kanyang mga dating ginampanan niya dahil may halong comedy ang serye.
Source: teresitassen (IG)
“Kontrabida pero comedy. First time ko gagawin 'yon and na-e-excite ako. Ilalabas ko na lang ang inner Joey Marquez ko minsan,” ani Winwyn nang makapanayam ng 24 Oras.
Samantala, kamakailan ay nagtapos bilang Top 1 si Winwyn sa Marine Reservist Training Class of 2020 sa ilalim ng Philippine Naval Reserve Command.
Sinimulan ni Winwyn ang training noong February at aniya, hindi siya nakatanggap ng kahit anong special treatment sa kasagsagan ng training.
“They saw us as equals talaga. Mayroon from different companies na matataas 'yung posisyon. Kung magpu-push up sa may batuhan, magpu-push up sa may batuhan,” dagdag pa niya.
Kahit na tutol noong umpisa ang tatay niyang si Joey Marquez sa pagsabak ni Winwyn dito, proud naman ito sa bagong achievement ng anak.
Sa katunayan, siya ang dumalo sa graduation ceremony ni Winwyn dahil nasa lock-in taping ang huli ng seryeng Owe My Love nang idaos ang event.
“Naiyak ako kasi mayroon talaga akong chair. 'Yung mga official namin, mga officer, my classmates showed me na I had a chair, a vacant seat kung saan dapat ako nakaupo. My dad was seated at the back. Hinila ata siya to sit on my chair,” anang aktres.
Tunghayan ang journey ni Winwyn mula sa pagiging beauty queen sa pagiging marine reservist.