Open 24/7: Ang wish na magpapabago sa buhay ni Kitty!
It's a #HappyKittyDay (Sofia Pablo)...or not?
Bago ang birthday ni Kitty, magkakaroon siya ng misunderstanding sa tatay niya na si Spark (Jose Manalo) at sa kaniyang Tito E.Z. (Vic Sotto).
Dahil dito iwi-wish ng dalaga na sana ay hindi na siya maging parte ng Open 24/7 convenience store!
Pagdating ng kaniyang kaarawan, 'tila hindi siya nakikilala ng mga kasamahan sa convenience store, pati na rin nina Spark at Boss E.Z.
Ang pinaka nakakaloka, may pumalit sa kaniyang Impostor na Kitty!
Maging happy pa kaya ang birthday niya kung walang makaalala sa kaniya?
Abangan ang isa naman kuwelang episode ng Open 24/7 ngayong April 20 dahil makakasama natin ang versatile actress na si Ashley Ortega)!
Tutukan ang tawanan sa paboritong sitcom ng bayan sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).
Kitty
Mukhang wala sa mood mag-birthday si Kitty ngayong Sabado dahil may konting misunderstanding sila ng Tatay Spark at tito E.Z. niya.
Wish
Isang wish ni Kitty ang 'tila magbabaliktad sa kaniyang buhay nang hilingin niya na hindi na siya maging parte ng Open 24/7 convenience store.
Impostor Kitty
Sa araw mismo ng birthday ni Kitty, wala man lang sa pamilya niya at katrabaho ang makakakilala sa kaniya. Oops! Bawal ang bawian ng wish, Miss Kity.
Open 24/7
Bawal ang umabsent sa panonood ng hit sitcom ni Bossing Vic Sotto na 'Open 24/7' sa darating na April 20, pagkatapos ng '#MPK (Magpakailanman).'