May darating na bully sa 'Open 24/7'
Masusubok ang pasensya ng crew ni Boss E.Z. (Vic Sotto) sa pagdating ng inaanak niyang si Willy (John Arcenas) ngayong Sabado, January 13.
Magti-training bilang supervisor sa Open 24/7 convenience store si Willy dahil plano rin ng pamilya ang magtayo ng grocery store.
Pero may pagka-bully itong si Willy at walang magawa ang tropa ni AL (Allen Ansay) kundi sundin ang mga utos ng una.
Hanggang kailan kaya magtitimpi ang mga “orb” sa bullying tactic ng inaanak ni Boss E.Z.?
Heto ang pasilip all-new episode ng 'Open 24/7', pagkatapos ng '#MPK (Magpakailanman)' ngayong Sabado.
Boss E.Z.
Darating ang inaanak ni Boss E.Z. na si Willy para mag-training sa convenience store. Pero mukhang magiging pahirap ito sa staff dahil may pagka-bully ito!
Bully
Test of patience ang mangyayari sa mga kasama ni AL. Maging dahilan kaya si Willy sa pagre-resign ng crew ni Boss E.Z.?