Open 24/7: Magbabagong taon na, pero may masungit!
May mahalagang aral na matutunan si Spark (Jose Manalo) isang araw bago ang Bagong Taon sa all-new episode ng Open 24/7 sa darating na December 30.
Lalabas ang pagiging masungit nitong si Spark na kahit ang sariling anak na si Kitty (Sofia Pablo) mapapagalitan dahil inistorbo ang tulog niya.
At kahit ang kapatid niya na si Boss E.Z. (Vic Sotto), mabubuwisit din sa kaniya habang nag-aalmusal sila.
Kaya naman isang misteryosang babae ang makikilala ni Spark na magpapa-realize sa kaniya na respetuhin niya ang kaniyang kapwa!
Heto ang pasilip sa New Year special ng Open 24/7, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m. ngayong December 30.
Kitty
Lagot tuloy si Kitty sa tatay niya nang magambala nito ang tulog niya.
Bakit kaya may pagkamasungit itong si Spark?
New Year
Alamin ang mangyayari kay Spark sa New Year special ng Open 24/7 sa darating na December 30, pagkatapos ng #MPK.