Open 24/7: How to survive a zombie apocalypse?
Mababalot ng takot ang Open 24/7 convenience store ngayong Sabado ng gabi!
Abala ang crew nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) sa paghahanda sa Halloween, pero, magugulat silang lahat nang malaman nilang may zombie virus outbreak.
Magtutulungan ang lahat para maka-survive habang nagkukuta sa loob ng convenience store.
Makaligtas kaya sila sa nakakahawang zombie virus?
Tingnan ang mangyayari sa spooky all-new episode ng Open 24/7 ngayong October 28.
Zombies
Pero, mas nakakatakot ang balita na kanilang malalaman dahil may zombie virus sa kanilang lugar. Survival mode na silang lahat!
Open 24/7
Huwag papahuli sa panonood ng Halloween special ng 'Open 24/7' ngayong October 28, pagkatapos ng '#MPK (Magpakailanman).'