Open 24/7
TV

Open 24/7: Kokoy, may itinatagong sugar mommy?

Magiging palaisipan sa mga katrabaho ni Kokoy (Kimson Tan) sa Open 24/7 convenience store ang misteryosong babae na kikitain ng Chinito heartthrob.

Sa all-new episode ng Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi, malalaman nina Fred (Abed Green) at Andoy (Anjay Anson) na nanghihingi ng pera si Kokoy sa babae.

Tama kaya ang hinala nila na ang sexy lady na kasama ng kanilang kaibigan ay sugar mommy nito?

Siguradong hahagalpak kayo sa katatawa sa mga “orb” sa episode ng Open 24/7 this weekend, dahil makakasama natin ang Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia!

Tutukan ang adventure ni Boss E.Z. (Vic Sotto) together with his Gen-Z crew ngayong September 30 sa oras na 9:30 pm, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.