Open 24/7
TV

Open 24/7: Crew ni Boss E.Z., iimbestigahan ang isang misteryosang babae

Mababalot ng takot ang mga empleyado nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) dahil sa isang misteryosang babae sa upcoming episode ng Open 24/7 ngayong Sabado, September 9.

Kalat ang balita sa lugar na may mga teenager na nawawala at suspetsa ng mga kasamahan ni Mikaela (Maja Salvador) na may kinalaman ang babaeng nakatira (Ashley Rivera) sa isang maduming bahay kung saan nag-deliver si AL (Allen Ansay).

Mas paghihinalaan nila ang babae nang makakita ng pangitain si Mikaela na nasa panganib si Andoy (Anjay Anson) na nagdala ng butcher knife sa bahay ng nakakatakot na babae.

Huli na ba ang lahat para kay Andoy?

Heto ang pasilip sa mga aabangan eksena sa hit sitcom na Open 24/7 sa Sabado Star Power sa gabi (September 9) sa oras na 9:30 pm.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.